Biyernes, Enero 20, 2017

Bakit mahirap magkapamilya at magkaroon ng ank na marami?

Bakit nga ba mahirap magkapamilya at magkaroon ng maraming anak?

Ang sumasgot sa isyung ito ay kahirapan. Kahirapan na patuloy na nagpapahirap sa buhay ng napakaraming Filipino. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon kabilang parin ang Pilipinas sa Third World Contry. Sa kadahilanang mahirap na nga ang buhay ay mayroon pang sandamakmak na anak.

Sa panahon ngayon ang buhay ay pahirap ng pahirap kung wala kang pinag-aralan mahihirapan kang makahanap ng trabaho na maaring ipangtustos sa iyong mga pangangailangan.Dahil dito maraming Filipino an nagdedesisyong magtrabaho sa ibang bansa, sila ang tinatawag nating mga OFW. 

Kung magiging bukas lang sana ang isipan ng bawat isa wala sana ang mga isyung kagaya nito.Ang dapat na mangyari ay mamulat tayo sa katotohanang hindi tayo mayaman!Ang bawat isa atin ay dapat na magpursige sa kung ano ang ating mga layunin sa buhay. Hindi ang layunin na magparami ng magparami ng anak.







Martes, Enero 17, 2017

Buhay Eskwela!

Ang buhay eskwela ay sadyang madali,
Sa mga taong walang inatupag kundi ang lumandi.
Ang paaralan ay ginawa para mag-aral,
Hindi para matuto ng masamang asal.

Buhay eskwela ay napakasaya,
Basta't kasama ang lahat ng barkada.
Ang buhay eskwela ay sadyang kakaiba,
Tawanan, galak at saya.

Ang lahat ng ala-ala,
Ay hindi basta-basta nabubura.
Kaya't sadyang kakaiba,
Ang buhay eskwela.

Komento sa pamimigay ng DOH ng libreng condom sa mga mag-aaral ng Senior High School

May mabuti bang maidudulot ang pamimigay ng condom sa mga senior high school?

Sa isyu ng pamimigay ng Department of Health o DOH ng libreng condom, samut-saring reaksyon at komento ang naisiwalat. Para sa mga Pilipino, lumalabas na pabor o sumasang-ayon ang DOH sa tinatawag na pre-marital sex o ang pakikipagtalik ng walang basbas ng sakramento ng kasal. Ito ay isang imoral na aksyon para sa lipunan. Dahil dito, nahihikayat ang mga kabataan na gumamit ng condom at iba pang contraseptives sa pakikipagtalik. Maaaring ang hangarin ng DOH ay maiwasan ang pagdami ng populasyon sa ating bansa at upang maiwasan ang bilang ng mga Pilipinong nagkakaroon ng Human Immuno-Deficiency Virus o HIV, ngunit hindi pa rin sapat na batayan ito upang mamigay sila ng mga condom sa mga mag-aaral. Bilang isang estudyante, mas makabubuti pang magkaroon na lamang ng subject na Sex Education upang mamulat at magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kabataan patungkol sa usaping sekswal.