"Epekto ng El nino"
(Pananaliksik)
LAYUNIN:
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay mapaalam kung anoman ang magiging epekto ng nasabing paksa. Nais ipabatid ng paksang ito kung paano naapektohan at nabago ang pamumuhay ng napakaraming Filipino partikular sa Agrikultura.
SAKOP at LIMITASYON:
Sakop ng pananaliksik na ito kung ano ba ang El nino? Ano ang mga maaring maging epekto nito? Paano makatutulong sa panahong nakararanas ng El nino? Paraan at mga hakbang konklusyon.
PANIMULA:
Ang El Nino ay tinatawag a abnormal weather pattern bunga ng pag-init sa bahagi ng Pacific Ocean. Sinasabing nauulit ang pangyayaring ito sa loob ng ikalawa hanggang ikapitong taon.
Bagaman nakararanas na ngayon ng matinding init ang Pilipinas, sinasabi ng mga eksperto na mararamdaman ang matinding epekto ng El nino. Kabilang dito ang matinding tagtuyot bunga ng kakaunting pag-ulan.
Ang kakulangan ng tubig ay makakapekto naman sa mga taniman na maari namang magdulot ng problema sa suplay ng pagkain. Maapektohan din nito ang suplay ng kuryente lalo na sa mga lugar na ang enerhiya ay nanggagaling sa mga hydro power plant.
PAGLALAHAD ng mga KATANUNGAN:
1.Ano ang El nino?
a.abnormal na lagay ng tubig
b.abnormal na weather pattern ng pag-init
k.pagkatunaw ng yelo
2.Ano ang pangunahing epekto ng El nino?
a.pagkatuyo ng mga pataniman
b.pagkamatay ng hayop
k.heat stroke
3.Sino ang pinakaapektado ng El nino?
a.mangingisda
b.estudyante
k.magsasaka
d.iba pa
4.Gaano tumatagag ang epekto nito?
a.1-2 buwan
b.2-3 buwan
k. 4-5 buwan
d.1 taon
5. Paano naaapektuhan ang produksyon at suplay ng bansa?
a. kaunti ang magagawang produkto
b. magmamahal ang bilihun
c. lahat ng nabanggit
6. Ano ang Heat Stroke?
a. ang heat stroke ay seryosong sitwasyon na humahantong sa kamatayan
b. sanhi ng alak at sigarilyo
k. sakit na nagmula sa hayop
7. Maaari bang matukoy ang pagdating ng El nino?
a. Oo
b. Hindi
8. Anong taon naitala ang pinakamatinding epekto nito?
a.2014
b.2015
k.2016
9. Paano ka makakatulong sa paghahanda sa El nino?
a.pagsusunog ng mga basura
b.pagtitipid ng tubig
c.pagtatanim ng mga puno
10.Paano kung wala ng supplyg tubig sa dam?
a.maraming lugar ang mawawalan ng tubig
b.mawawalan ng kuryente
k.magmamahal ang bilihin
RESULTA:
Malaki ang pinsalang maidudulot ng El nino lalong lalo na sa Agrikultura kaya dapat itong mapaghandaan.
KATAWAN:
Ilang babala na ang narinig natin na masama ang El Niño ngayong taon. Ayon sa US National Oceanic and Atmospheric Administration, maaaring ito na raw ang pinakamalakas na El Niño magmula 1997. At tila nagaganap na nga. Parang hindi tag-ulan. Napakainit, at kung umulan man, sandali lang. Ang El Niño ay isang kaganapan kung saan umiinit ang temperatura ng gitnang bahagi ng karagatang Pasipiko. Tumatagal ito ng siyam na buwan hanggang dalawang taon, depende sa tindi ng El Niño. Sa Pilipinas, ang epekto nito ay init ng panahon at mga buwan ng tag-tuyot.
Ngayon pa lang ay tinatalakay na ng Palasyo ang mga paghahanda kung lumala pa ang El Niño, na maaaring tumagal hanggang unang apat na buwan ng 2016. Una na rito ay ang produksyon at suplay ng pagkain para sa bansa, pangalawa ay ang suplay ng tubig. Kung wala nga namang ulan, walang naibabalik na tubig sa mga dam. At kung walang tubig sa mga dam, walang tubig na rin para sa irigasyon at para sa mga hayop. Kapag bumaba pa nang husto, wala nang tubig para sa lahat. Seryoso ang sitwasyon, kaya binibigyan ng Palasyo ng kaukulang panahon para talakayin at paghandaan ang mga problemang magaganap kung tumodo na ang epekto ng El Niño.
May epekto rin ang El Niño sa ekonomiya ng bansa. Maaaring tumaas ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin. Kung hihina ang produksyon ng pagkain, natural na magmamahal ang lahat, partikular ang bigas. Alam natin kung gaano karaming tubig ang kailangan ng palay para mabuhay. Siguradong magmamahal din ang kuryente, lalo na kung matindi na naman ang init ng panahon. Hindi rin malayo mangyari ang mga rotating brownout. Sigurado magiging mahirap ang buhay.
Kung lumilihis ang mga malalakas na bagyo, sana hindi na rin matuloy ang El Niño. Mabuti nga at ang parating na malakas na bagyo ay hindi muli tatama ng Pilipinas. Hindi ko maisip ang panahon ng tagtuyot na tatagal ng halos siyam na buwan, kasama pa ang Disyembre, Enero at Pebrero kung saan inaasahan ng lahat ang lamig ng panahon. Kung ganito na kainit ngayon, paano pa kaya kapag todo na ang epekto ng El Niño?
Gaano katagal nangyayari
ang El Niño?
Pangkaraniwang tumatagal ng 6-18 buwan ang El Niño. Ito ay
nangyayari matapos ang 2 hanggang 7 taon, kasabay ng paghina ng
ihip ng trade wind.
Saang mga lugar ang
pinakaapektado ng El Niño?
Sa pangkalahatan, tinatayang pinakaapektado ang mga lugar
malapit sa Karagatang Pasipiko. Ang mga lugar na nakasalalay sa
agrikultura, partikular sa pagsasaka at pangingisda, ang pangunahing
pinagkakakitaan ang lubhang maaapektuhan nito.
Sa Pilipinas, maaaring makaranas ng matinding tag-init ang mga
probinsyang malakas ang produksyong pang-agrikultura tulad ng
Cagayan, Isabela, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Camarines Sur,
Iloilo, Negros Occidental, Bohol, at Leyte. Mararanasan din ito sa ilang
lugar sa Mindanao. Gayunpaman, pinapayuhang maging handa ang
lahat dito.
Paano maagapan ng mga magsasaka
ang epekto ng El Niño?
1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may
kakulangan sa patubig (drought-tolerant) at barayting maagang
anihin (early-maturing).
2. Gamitin ang teknolohiyang reduced-tillage o ang minimal na
pagbungkal ng lupa upang makabawas sa oras ng trabaho sa
bukid at makatipid sa tubig sa paghahanda ng lupa.
Sa sistemang ito, hindi na inaararo ang bukid bago tamnan.
Konting suyod lang, maari nang magtanim.
3. Gumamit ng mga teknolohiyang tipid sa tubig tulad ng
kontroladong irigasyon, aerobic rice, at drip irrigation.
Sa kontroladong irigasyon, sapat na tubig lang ang gagamitin
at hindi naman naaantala ang paglaki ng palay. Bagay na bagay
ang teknolohiyang ito sa pagpapatubig sa mga sakahang salat sa
tubig, gaya ng mga umaasa sa komunal na irigasyon, de-bombang
patubig, maliit na imbakan ng tubig, at mga nasa duluhan ng mga
kanal ng patubig.
Ang Aerobic Rice Technology (ART) ay paraan ng pagpapalayan
sa mga lugar na kapos sa patubig. Mainam gamitin ang ART sa
mga lugar na sahod-ulan, dulo ng mga sakahan na may patubig,
at matataas na palayan na walang pilapil. Ang ani ay 4-6 tonelada
kada ektarya.Ang drip irrigation naman ay isang sistema ng unti-unting
pagpapatubig sa mga maliliit na taniman tulad ng gulayan. Angkop
ito sa mga lugar na nagtatanim ng ibang halaman pagkatapos ng
palay.
4. Maglagay ng alip-ip (mulch) sa ibabaw ng lupa upang mapanatili
ang hamog ng lupa, makontrol ang temperatura nito, at maiwasan
ang pagdami ng damo. Maaaring gamiting mulch ang dayami,
damo, o plastik.
5. Magtanim ng ibang halaman (tulad ng gulay) sa halip na palay sa
mga lugar na kulang sa patubig.
Itinutulak ng PhilRice ang sistemang Palayamanan o ang
pagtatanim ng hindi lang palay kundi gulay at iba pa, atpaghahayupan. Kasama rin sa Palayamanan ang pagbabalik sa
lupa ng mga by-products ng palay, gaya ng ipa at dayami. Sa gitna
ng El Niño, makadaragdag sa kita ang mga pananim na pwedeng
mabuhay sa kaunting tubig, gaya ng munggo.
6. Magtanim ng mga halamang mataas ang commercial value
(pakwan, kalabasa, melon) upang makadagdag sa kita, o
magtanim ng halamang nabubuhay kahit kulang ang tubig tulad
ng kamoteng-kahoy, kamote, at ube.
7. Regular na bisitahin ang palayan upang makita kung inaatake ito
ng peste at sakit dala ng init ng panahon.
8. Palaging makinig sa mga ulat-panahon upang makapagplano ng
mga maaaring gawing aktibidad sa bukid.
KONKLUSYON:
Batay
sa isinagawang pag-aaral at pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon,
inilalahadng mananaliksik ang mga sumusunod na konklusyon:
Ang
El Niño ay nagyayari bunga ng natural na pagkilos ng system ng hangin sa
atingkapaligiran at nagdudulot ng mainit na daloy lamang ng tubig na
lumilitaw malapit sa baybayinng Peru tuwing dalawa hanggang pitong taon.
Ang
pinagmulan ng El Nino ay ang habagatang pabago bago ng klima sa karagatang
pasipiko na sa gayun ay naapektuhan ang mga karatig na baybayin malapit sa
pasipiko dahil dala rin nito ang maiinit na hangin mula sa pasipiko.
Ang
El Nino ay nangyayari kapag ang isang klima sa isang bansa ay lalong tumataas
onagbabago ang kalagayan ng temperatura.Ang pangyayaring tulad ng El Niño,
bagamat natutukoy kung kalian maaring dumatingay hindi maiiwasan ang pagdating
o kaya ay mailihis ang lugar na maaring daanan nito. Kunggayon, maituturing
itong isang natural na kalamidad at marapa na paghandaan upang maiwasanang
pagdulot nito ng malawakang pinsala sa buhay at kabuhayan ng mga tao sa isang
lugar.
Ang kamalayan sa mga pangyayaring tulad ng El
Niño tulad ng dahilan ng pagkakaroonnito, kailan ito maaring mangyari at
anu-ano ang mga pinsalang maaring dulot nito aynakatutulong ng malaki upang
mapaghandaan ang pagdating nito
REKOMENDASYON:
Pagkatapos ng mga impormasyong nakalap at
napag-aralan, inirerekomenda ngmananaliksik ang mga sumusunod:
1. Pagkakaroon ng malawakang kampanya upang
higit na maipaunawa sa mga tao kung anoang El Niño, saan ito nanggaling, bakit
ito nagyayari, anu-ano ang mga pinsalangmaaring idulot nito at kung paano
makatutulong ang isang ordinaryong tao pangmaiwasan o mapaunti ang mga
pinsalang dulot nito;
2. Hikayatin ang bawat isa ma makiisa sa
pangmalawakang gawaing nauukol sa pagbabalikng dating sigla at lagay ng ating
kapaligiran upang maiwasan ang pangyayaringnagdudulot ng abnormalidad sa kilos
at sistema ng ating kapaligiran.
3.
Pagkakaroon ng iba pang masusing pag-aaral na naayon sa
pananaliksik na ito upanghigit na mapagtibay ang mga impormasyong natuklasan
mula rito.
MGA SANGGUNIAN:
1. http://www.academia.edu/7279694/ANG_EL_NIÑO
2. http://www.philstar.com/psn-opinyon/2015/08/19/1489672/malakas-na-el-nino
3. https://www.google.com.ph/search?q=epekto+ng+el+nino+pdf&oq=epekto+ng+el+nino+pdf&aqs=chrome..69i57l2.10375j0j8&sourceid=chrome&ie=UTF-8#q=sanhi+ng+el+nino&*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento